Women's Rights
ni Alexandra Hilario
Sa panahon ngayon,
matindi na ang nangyayaring karahasan at di magandang gawain sa mga kababaihan.
Marami na ang lumalapastangan sa karapatan at kawalan ng respeto sa mga
kababaihan. Isa na ito sa mga dahilan kung bakit ang mga kababaihan ay
namamatay ng maaga, nakakaranas ng depresyon at pagkawalan ng tiwala sa sarili.
Base sa pagsusuri may apat na dahilan kung bakit namamatay ang mga kababaihan,
una ay dahil sa sakit, pangalawa ay dahil sa gutom, pangatlo ay dahil sa
aksidente at ang pang-apat ay ang karahasan. Sa katunayan mas lamang ang bilang
ng namamatay na kababaihan na ang dahilan ay karahasan.
Dito sa Pilipinas,
hindi na lingid ang maraming kaso ng domestic violence kung saan maraming
kababaihan ang namamatay. May mga babaing karumal-dumal kung patayin. At tila
ang nangyayaring ito ay nagiging karaniwan na lamang ngayon. Ngunit sa mga
pangyayaring iyon bakit tila walang tugon at aksiyon ang ating Gobyerno upang
tiyak na maprotektahan at mapangalagaan ang mga kababaihan? Hindi ba at
nakakapagtaka? Wala rin
naman makuhang hustisya sa mga babaing walang awang pinatay o kaya ay ginahasa
at nilabag ang karapatan. Wala ring
hustisyang makakamtan ang nilapastangang Pinay kagaya ng ibang kaso ng
pangre-rape sa mga Pinay. Kawawa ang mga Pinay na patuloy na nakalalasap
ng pagmamaltrato at pang-aabuso. Gaano karami ang mga Pinay domestic helpers na
nakaranas nang pagmamaltrato sa kanilang amo habang nagtatrabaho sa ibang bansa
gaya ng Saudi Arabia, United Arab Emirates. Hong Kong, Singapore at iba pang
bansa.
No comments:
Post a Comment