Hustisya
ni Graciela Marie Mirabel
Ang hustisya o
katarungan ay isang masalimot na diskurso sa Pilipinas. Mahirap nga itong
unawain dahil maraming pagtingin dito. Madaming anyo ng hustisya ang gusto
makamit ng bawat Pilipino. Isa sa mga anyo ng hustisya ay ang hustisya sa mga
kriminal. Ito ang bagay na ninanais makamit ng bawat inosenteng tao na may
hinaharap na kaso.
Maraming Pilipino ang pinarurusahan sa
kasalanan hindi nila ginawa. Ngunit nagkakaisa naman ang lahat na dapat makamit
ang katarungan dahil ito ang nagpapatibay sa paninindigan at paniniwala ng
bawat kasapi ng lipunang kanilang ginagalawan. Kung hindi nakakamit ang
katarungan at palagian itong tinatalikuran ng pamahalaan, nagiging sanhi ito ng
pagbagsak ng isang pamahalaan at pagkalusaw ng isang bansa.
Nakalulungkot isipin na
ang hustisya sa Pilipinas ay sadyang mabagal. Marami ang kinamamatayan na
lamang ang kasong kanilang isinampa at hinaharap. Marami kasing balakid sa
pagtatapos ng isang kaso at paghahanap ng katotohanan. Kadalasan ay bigo ang
isang mahirap sa paghingi ng katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Ang
hindi pantay na hustisya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang malinaw
na balakid para sa katarungan. Hindi rin patas ang hustisya sa Pilipinas sa
pagitan ng ordinaryong tao at may kapangyarihan o maimpluwensya. Ano na lamang
ang mga pwede pang mangyare sa mga mamamayan ng Pilipinas kung hindi
masosolusyonan ang problema sa hustisya.
Ayon kay Leah Francisco, sa pagkakaroon ng
hindi tamang paglilitis sa isang kriminal, maaaring ito ay bawian ng buhay sa
paraan ng isang batas. Ang batas na ito ay ang death penalty, hindi ito
nararapat na mapatupad sa Pilipinas sa kadahilanang may taliwas na pananaw ang
mga pulis, mabagal ang proseso ng paglilitis o may nababayarang husgado, at
hindi pantay ang sistema ng pagkamit ng hustisya.
No comments:
Post a Comment