Hindi Sagot sa Kahirapan ang Pagiging OFW
ni Rochelle Bernabe
Ang pangingibang bansa ay isa sa
mga naiisip na solusyon ng bawat Pilipino sa ating bansa upang mapaunlad ang
kanilang buhay at upang mabuhay ang kanilang pamilya.Napakalaki din ng natutulong
nito sa ating buhay .Marami ang Pilipino ang bumabalik sa ating bansa na
umunlad dahil maganda ang nagging kapalaran sa ibang bansa .Ngunit sa kabila
nito marami pa ding mga Pilipino ang hindi nagiging maganda ang kapalaran sa
ibang bansa ,idagdag mo pa ang pangungulila nila sa kanilang pamilya. Naandon
na tayo na kumikita tayo ng malaki ngunit napapalayo naman sa ating mga mahal
sa buhay . Nakikita dito na napakalaki
ng epekto ng pangingibang bansa ng bawat
Pilipino sa ating bansa .Walang kaularang nagaganap sa ating bansa dahil sa
halip na mapabuti ay mas lalo lang nagiging mahirap ang buhay ang buhay natin
,katulad nalang ng mga kababayan nating kinikitil ang buhay sa ibang bansa ng
kanilang amo maging ang gobyerno doon.
Tayo bilang praktikal na
pilipino,mas pinipili natin ang pagpunta sa ibang bansa dahil ang katwiran
natin ay mas malaki ang kita doon.Maraming mga studyante na nagtatapos o
magtatapos palang ay pinaplano na na mangibang bansa, kung kaya’t walang pag-unlad
na nagaganap sa ating bansa.Oo maraming pilipino ang walang trabaho at ang isa
sa mga dahilan nito ay ang pangingibang bansa ng mga negosyante.Sa halip na sa
ating bansa na lamang magtayo ng negosyo upang masolusyunan ang suliranin ng
kakulangan sa trabaho.Sa halip na sa sariling bansa maglingkod ay mas
pinipiling sa hindi natin sariling bansa.Lumalaki ang kita natin bilang isang
indibiduwal ngunit paano naman ang ibang tao sa ating bansa? Ang kahirapan ay
isa sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa kung magpapatuloy ang mga
ganitong gawain walang iuunlad ang ating bansa,maraming magugutom at maghihirap
sa halip na umunlad tayong mga pilipino.Dapat nating tangkilikin at isipin o
isaalang alang ang ikauunlad ng ating bansa hindi lang sa pansariling kapakanan
kundi para sa nakararami.
Ayon sa
aswer.yahoo.com na kalakip ng pangingibang bansa ay napapalayo ang nangingibang
bansa sa kanilang pamilya ,kinakailangan din na mabago ang systema ng pamumuhay
ng isang pamilya dahil nga napalayo ang isang meymbro nito .
Ayon sa moneytis.com nakakapagpadala ang mga kababayan natin ng pera taon taon sa
kanilang pamilya kaya’t mas gumaganda ang kanilang pamumuhay .Ang ating bansa
ay nakakapagpadala ng halos 29 billiyon US dollars noong 2015 ayon sa World
Bank . atang Pilipinas ang panagtlo sa mga bansa na tumatangap ng padalang pera
sa buong mundo . Nakakatulong ang ibang bansa sa atin upang mapanatili ang
pagunlad ng bansa. Bagamat maraming mga magagandang epekto ang pangingibang
bansa sa ating bansa.
Hi Grade 12 students ng Saint Louis College City of San Fernando, La Union.
ReplyDeleteSummary please
ReplyDeleteCan you summary
ReplyDeleteSummary plsss
ReplyDelete