Segragation: Hindi Dapat Unahin
ni Rhea Mae Cahapay
Ang
basura ang isa sa mga pangunahing problema ng ating bansa. Kaya nagpatupad ng
batas hinggil sa basura ito ay ang Republic Act 9003. Ito ay naayon sa sistema
ng paghihiwalay, pagbubuklod, pagbabalik-gamit, pagreresiklo ng basura. Hindi
na bago sa ating mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot sa
pagkasira ng kapaligiran. Sa pag unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong
nakatutulong sa pagpapagaan sa atin. Katulad ng plastik na ating ginagamit sa
pang araw araw nating pamumuhay. Ang mga plastik na ating ginagamit na hindi
natin tinatapon sa tamang tapunan at nagiging sanhi ng mga sakuna katulad ng
pagbaha at kung anu-ano pa . Anu-ano nga ba ang mga maaaring sanhi ng hindi
natin pagtatapon sa tamang tapunan ng ating mga basura?
Una, maaring maging
sanhi nito ay ang pagkasira ng ating mga anyong tubig dahil sa mga basurang
pakalat-kalat sa dagat nagiging sanhi ito ng pagkasira nito. Pangalawa,
pagkamatay ng mga hayop katulad ng mga isdang nasa karagatan na nakakakain ng
plastik na hindi natin itinapon sa tamang tapunan na nagiging sanhi ng
pagkamatay ng mga ito. At ang pangatlo, ay ang pagbaha. Isa sa malaking
sakunang kinakaharap ng ating bansa ay ang pagbaha. Ang pagbaha na sanhi din ng
hindi natin pagtatapon sa tamang tapunan ng ating mga basura.
Hangga't hindi pa huli
ang lahat, dapat na matuto tayong disiplinahin ang ating mga sarili ng tamang
pagtatapon ng ating mga basura. Gawin natin ito habang may panahon pa tayo,
dahil hindi natin masasabi kung ano o kailan mangyayari ang mga sakunang maaari
nating maranasan dahil sa hindi natin pagtatapon sa tamang tapunan ng ating mga
basura.
Ayon kay Leon Hayes na
isang Founder at CEO ng Solar Bins Australia, ang paghihiwalay ng basurang
nabubulok,di nabubulok at ang pagreresiklo ay isang magandang gawain. Dahil sa
pamamagitan nito mababawasan ang mga basurang pakalat-kalat sa ating kapaligiran. At maari
pa itong pakinabangan, pagkakitaan, at maaari pa tayong makatulong sa
paglilinis ng mga basura sa kapaligiran.
Ayon kay Kap. Teofilo Campano hindi sagot ang waste segregation sa
pagsasaayos ng basura sa ating kapaligiran, kundi ay ang disiplina sa sarili. Dapat
ay ang disiplina muna sa sarili ang ating pagtuunang pansin, dahil kung wala
kang disiplina sa sarili hindi mo magagawang itapon ang iyong mga basura sa
tamang tapunan.
Sloty Casino Hotel Las Vegas, NV, USA - MapYRO
ReplyDeleteCasino Hotel Las Vegas. Casino Hotel Las Vegas is a casino and 파주 출장샵 hotel 동두천 출장샵 located 공주 출장안마 in the heart of the Las 화성 출장안마 Vegas 대전광역 출장샵 Strip. The casino's 25000 square foot gaming