Ang Pederalismo ay Hindi Naaayon sa Pilipinas
ni Mary Grace Q. Campollo
Kamakaila’y
ipinagdedebatihan ang pagpapatupad ng sistema ng pederalismo kung ito ba ay
naaayon o hindi sa ating bansa na pinangungunahan ni Pangulong Duterte. Ang
pagpapatupad ng pederalismo sa ating bansa ay magiging dahilan ng pagkakahati
hati ng Pilipinas sa labing apat na estado kagaya na lamang ng sa Estados
Unidos ng Amerika. Ang pagkakaroon ng Pederalismo ay maaaring maging sagot sa
kagustuhan ng ibang mga mamamayan kagaya na lamang ng “decentralization” kung
saan pumapayag ang sistemang pederalismo na magkaroon ng kanya-kanyang batas na
alam nilang makakabuti sa kanilang lugar o pag-unlad. Ang bawat estado ay may
kakayahang palaguin ang sariling yaman na sila lamang ang makikinabang. Ang mga
lokal na gobyerno ay hindi na rin dedepende sa Maynila sapagkat ang bawat lokal
na gobyerno ay may kapangyarihan na sa pagpapatakbo at pamumuno sa sariling
estado.
Ngunit sa
aking palagay, ang pederalismo ay hindi naaayon sa ating bansa sapagkat ang
pagkakaroon nito ay maaaring maging sanhi ng kawalan ng pagkakaisa ng
mamamayang Pilipino. Ngayon nga’t hindi pa pederalismo ang bansa ay hindi na
nagkakaisa ang mga Pilipino, paano pa kaya kung maging watak watak na ang
pamamalakad sa Pilipinas.Hindi ba’t puro kumpetisiyon na lamang ang
mamamayagpag sa ating lipunan? Ang Pilipinas ay itinatag bilang isang republikang bansa kung saan ang buong bansa ay may iisang batas lamang na sinusunod at may iisang
pinuno. Sa pagtatatag ng Pilipinas bilang isang pederalismong bansa, mawawala
ang kinagawian ng mga Pilipino at magiging parte na lamang ito ng nakaraan. May
mga ibat ibang salik na magpapatibay na ang pederalismo sa ating bansa ay hindi
makabubuti.
Ayon sa Kami.com.ph, ang pederalismo sa ating bansa ay maaaring maging sanhi ng kawalan ng pagkakaisa sapagkat maaaring ang isaisip nila ay ang pakikipagmataasan sa kapwa lokal na gobyerno. May ibang estado ang mababalewala at mapagiwanan sapagkat hindi naman lahat ng mga estado ay may angking yaman at masaganang lupain.Ang pagbuo ng isang pederalismong bansa ay hindi madali sapagkat malaking pera ang gagastusin na maaaring maging sanhi ng kahirapan ng buong Pilipinas. May mga Islam na gustong magkaroon ng sarili nilang bansa kaya naman sila lumilikha ng grupo na gumagawa ng gera.Kung ang pederalismo ay maitatatag at nagging isang estado ang ARMM, maaaring ang susunod naman nilang gawin ay ang pagsakop sa iba pang mga estado upang makuha ang kagustuhang magkaroon ng isang bansa para sa kanila lahi.

Bagama’t marami ring magandang
epekto ang pederalismo sa ating bansa ay higit na mas marami pa rin ang hindi
magandang epekto nito sa atin. Ang mga magagandang epekto ay wala ring
kasiguraduhang magiging maganda ang kalalabasan sa ating lipunan. Kaya naman
ang pederalismo sa ating bansa ay hindi naaayon at hindi na dapat na
maipatupad.
No comments:
Post a Comment