Wednesday, August 15, 2018

Hustisya

Hustisya
ni Graciela Marie Mirabel

Ang hustisya o katarungan ay isang masalimot na diskurso sa Pilipinas. Mahirap nga itong unawain dahil maraming pagtingin dito. Madaming anyo ng hustisya ang gusto makamit ng bawat Pilipino. Isa sa mga anyo ng hustisya ay ang hustisya sa mga kriminal. Ito ang bagay na ninanais makamit ng bawat inosenteng tao na may hinaharap na kaso.

 Maraming Pilipino ang pinarurusahan sa kasalanan hindi nila ginawa. Ngunit nagkakaisa naman ang lahat na dapat makamit ang katarungan dahil ito ang nagpapatibay sa paninindigan at paniniwala ng bawat kasapi ng lipunang kanilang ginagalawan. Kung hindi nakakamit ang katarungan at palagian itong tinatalikuran ng pamahalaan, nagiging sanhi ito ng pagbagsak ng isang pamahalaan at pagkalusaw ng isang bansa.

Nakalulungkot isipin na ang hustisya sa Pilipinas ay sadyang mabagal. Marami ang kinamamatayan na lamang ang kasong kanilang isinampa at hinaharap. Marami kasing balakid sa pagtatapos ng isang kaso at paghahanap ng katotohanan. Kadalasan ay bigo ang isang mahirap sa paghingi ng katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Ang hindi pantay na hustisya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang malinaw na balakid para sa katarungan. Hindi rin patas ang hustisya sa Pilipinas sa pagitan ng ordinaryong tao at may kapangyarihan o maimpluwensya. Ano na lamang ang mga pwede pang mangyare sa mga mamamayan ng Pilipinas kung hindi masosolusyonan ang problema sa hustisya.

 Ayon kay Leah Francisco, sa pagkakaroon ng hindi tamang paglilitis sa isang kriminal, maaaring ito ay bawian ng buhay sa paraan ng isang batas. Ang batas na ito ay ang death penalty, hindi ito nararapat na mapatupad sa Pilipinas sa kadahilanang may taliwas na pananaw ang mga pulis, mabagal ang proseso ng paglilitis o may nababayarang husgado, at hindi pantay ang sistema ng pagkamit ng hustisya.

Segragation : HIndi Dapat Unahin

Segragation: Hindi Dapat Unahin
ni Rhea Mae Cahapay

              Ang basura ang isa sa mga pangunahing problema ng ating bansa. Kaya nagpatupad ng batas hinggil sa basura ito ay ang Republic Act 9003. Ito ay naayon sa sistema ng paghihiwalay, pagbubuklod, pagbabalik-gamit, pagreresiklo ng basura. Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot sa pagkasira ng kapaligiran. Sa pag unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nakatutulong sa pagpapagaan sa atin. Katulad ng plastik na ating ginagamit sa pang araw araw nating pamumuhay. Ang mga plastik na ating ginagamit na hindi natin tinatapon sa tamang tapunan at nagiging sanhi ng mga sakuna katulad ng pagbaha at kung anu-ano pa . Anu-ano nga ba ang mga maaaring sanhi ng hindi natin pagtatapon sa tamang tapunan ng ating mga basura?

Una, maaring maging sanhi nito ay ang pagkasira ng ating mga anyong tubig dahil sa mga basurang pakalat-kalat sa dagat nagiging sanhi ito ng pagkasira nito. Pangalawa, pagkamatay ng mga hayop katulad ng mga isdang nasa karagatan na nakakakain ng plastik na hindi natin itinapon sa tamang tapunan na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga ito. At ang pangatlo, ay ang pagbaha. Isa sa malaking sakunang kinakaharap ng ating bansa ay ang pagbaha. Ang pagbaha na sanhi din ng hindi natin pagtatapon sa tamang tapunan ng ating mga basura.

Hangga't hindi pa huli ang lahat, dapat na matuto tayong disiplinahin ang ating mga sarili ng tamang pagtatapon ng ating mga basura. Gawin natin ito habang may panahon pa tayo, dahil hindi natin masasabi kung ano o kailan mangyayari ang mga sakunang maaari nating maranasan dahil sa hindi natin pagtatapon sa tamang tapunan ng ating mga basura.

Ayon kay Leon Hayes na isang Founder at CEO ng Solar Bins Australia, ang paghihiwalay ng basurang nabubulok,di nabubulok at ang pagreresiklo ay isang magandang gawain. Dahil sa pamamagitan nito mababawasan ang mga basurang  pakalat-kalat sa ating kapaligiran. At maari pa itong pakinabangan, pagkakitaan, at maaari pa tayong makatulong sa paglilinis ng mga basura sa kapaligiran.  
               
            Ayon kay Kap. Teofilo Campano hindi sagot ang waste segregation sa pagsasaayos ng basura sa ating kapaligiran, kundi ay ang disiplina sa sarili. Dapat ay ang disiplina muna sa sarili ang ating pagtuunang pansin, dahil kung wala kang disiplina sa sarili hindi mo magagawang itapon ang iyong mga basura sa tamang tapunan.  

Hindi Sagot sa Kahirapan ang Pagiging OFW

Hindi Sagot sa Kahirapan ang Pagiging OFW
ni Rochelle Bernabe

Ang pangingibang bansa ay isa sa mga naiisip na solusyon ng bawat Pilipino sa ating bansa upang mapaunlad ang kanilang buhay at upang mabuhay ang kanilang pamilya.Napakalaki din ng natutulong nito sa ating buhay .Marami ang Pilipino ang bumabalik sa ating bansa na umunlad dahil maganda ang nagging kapalaran sa ibang bansa .Ngunit sa kabila nito marami pa ding mga Pilipino ang hindi nagiging maganda ang kapalaran sa ibang bansa ,idagdag mo pa ang pangungulila nila sa kanilang pamilya. Naandon na tayo na kumikita tayo ng malaki ngunit napapalayo naman sa ating mga mahal sa buhay . Nakikita dito  na napakalaki ng epekto ng pangingibang bansa  ng bawat Pilipino sa ating bansa .Walang kaularang nagaganap sa ating bansa dahil sa halip na mapabuti ay mas lalo lang nagiging mahirap ang buhay ang buhay natin ,katulad nalang ng mga kababayan nating kinikitil ang buhay sa ibang bansa ng kanilang amo maging ang gobyerno doon.

Tayo bilang praktikal na pilipino,mas pinipili natin ang pagpunta sa ibang bansa dahil ang katwiran natin ay mas malaki ang kita doon.Maraming mga studyante na nagtatapos o magtatapos palang ay pinaplano na na mangibang bansa, kung kaya’t walang pag-unlad na nagaganap sa ating bansa.Oo maraming pilipino ang walang trabaho at ang isa sa mga dahilan nito ay ang pangingibang bansa ng mga negosyante.Sa halip na sa ating bansa na lamang magtayo ng negosyo upang masolusyunan ang suliranin ng kakulangan sa trabaho.Sa halip na sa sariling bansa maglingkod ay mas pinipiling sa hindi natin sariling bansa.Lumalaki ang kita natin bilang isang indibiduwal ngunit paano naman ang ibang tao sa ating bansa? Ang kahirapan ay isa sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa kung magpapatuloy ang mga ganitong gawain walang iuunlad ang ating bansa,maraming magugutom at maghihirap sa halip na umunlad tayong mga pilipino.Dapat nating tangkilikin at isipin o isaalang alang ang ikauunlad ng ating bansa hindi lang sa pansariling kapakanan kundi para sa nakararami.

                Ayon sa aswer.yahoo.com na kalakip ng pangingibang bansa ay napapalayo ang nangingibang bansa sa kanilang pamilya ,kinakailangan din na mabago ang systema ng pamumuhay ng isang pamilya dahil nga napalayo ang isang meymbro nito .

Ayon sa moneytis.com  nakakapagpadala  ang mga kababayan natin ng pera taon taon sa kanilang pamilya kaya’t mas gumaganda ang kanilang pamumuhay .Ang ating bansa ay nakakapagpadala ng halos 29 billiyon US dollars noong 2015 ayon sa World Bank . atang Pilipinas ang panagtlo sa mga bansa na tumatangap ng padalang pera sa buong mundo . Nakakatulong ang ibang bansa sa atin upang mapanatili ang pagunlad ng bansa. Bagamat maraming mga magagandang epekto ang pangingibang bansa sa ating bansa.

Women's Rights

Women's Rights
ni Alexandra Hilario

Sa panahon ngayon, matindi na ang nangyayaring karahasan at di magandang gawain sa mga kababaihan. Marami na ang lumalapastangan sa karapatan at kawalan ng respeto sa mga kababaihan. Isa na ito sa mga dahilan kung bakit ang mga kababaihan ay namamatay ng maaga, nakakaranas ng depresyon at pagkawalan ng tiwala sa sarili. Base sa pagsusuri may apat na dahilan kung bakit namamatay ang mga kababaihan, una ay dahil sa sakit, pangalawa ay dahil sa gutom, pangatlo ay dahil sa aksidente at ang pang-apat ay ang karahasan. Sa katunayan mas lamang ang bilang ng namamatay na kababaihan na ang dahilan ay karahasan.

Dito sa Pilipinas, hindi na lingid ang maraming kaso ng domestic violence kung saan maraming kababaihan ang namamatay. May mga babaing karumal-dumal kung patayin. At tila ang nangyayaring ito ay nagiging karaniwan na lamang ngayon. Ngunit sa mga pangyayaring iyon bakit tila walang tugon at aksiyon ang ating Gobyerno upang tiyak na maprotektahan at mapangalagaan ang mga kababaihan? Hindi ba at nakakapagtaka? Wala rin naman makuhang hustisya sa mga babaing walang awang pinatay o kaya ay ginahasa at nilabag ang karapatan. Wala ring hustisyang makakamtan ang nilapastangang Pinay kagaya ng ibang kaso ng pangre-rape sa mga Pinay. Kawawa ang mga Pinay na patuloy na nakalalasap ng pagmamaltrato at pang-aabuso. Gaano karami ang mga Pinay domestic helpers na nakaranas nang pagmamaltrato sa kanilang amo habang nagtatrabaho sa ibang bansa gaya ng Saudi Arabia, United Arab Emirates. Hong Kong, Singapore at iba pang bansa.
            
Tungkulin ng gobyerno na tulungan ang mga kababaihan. Wakasan ang pagmamaltrato, pang-aabuso, pagpapahirap sa kanila. Protektahan ang mga kababaihan at alisin sa kanilang balikat ang mabigat na krus na kanilang pasan.

Death Penalty: Kawalan ng Pag-asa



Death Penalty: Kawalan ng Pag-asa
ni Jesus Delfin Martinez

Ang death penalty ay hindi na aayon sa bansang Pilipinas dahil sa maka relihiyoso ang mga tao dito, at hindi naman talaga tama ang pag bawi sa buhay ng isang taong nag kasala ang nararapat sa taong nag kakasala ay pag kabilanggo atng diyos lang ang may karapatang bumawi ng ating buhay.

Ayon kay Carl Allan Clavero hindi natin masasabing mag papababa ang Death Penalty sa antas ng krimen sa Pilipinas. At hindi natin masusuportahan ang Death Penalty kung ang isang mapaparusahan ng death penalty ay napag alamang inosente, wala ng magagawa ang Gobyerno upang maibalik ang buhay na wala na. at dahil sa kakulangan sa pondo ng ating  pamahalaan ang pag uusapan, mas mabuti pa rin na hindi magkaroon ng death penalty . Pero ma susuportahan natin ang death penalty  kung may katarungan talaga ang bansang ito. Isa pang solusyon ay ang mga karapat dapat at  magagaling at bihasang mga abogado na hahawak ng kaso ng isang mahirap na sasakdal at hindi pag panig sa mayayaman na nasa kabilang panig na nag diriin sa suspek.

Nakita ng lahat na hindi maganda ang batas na ito bagkus isang kapalit ito sa buhay na kinuha ng isang tao. Para sa karamihan maganda itong batas na ito dahil buhay ang kapalit pero puro dahas ang iniisip ng mga tao. Iniisip lang nila na paano talaga makukuha ang hustisya kahit na nasa bilangguan ang mga may sala. At para sa mga pari hindi sila sang ayon sa batas na ito, sapagkat may paniniwala sila na marunong parin dapat mag patawad sapagkat naayon sa ating panginoon na dapat tayo ay mag patawad sa ating kapwa.

Mahihikayat ko ang aking  mga kapwa kabataan na huwag umayon sa batas na ito sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ba talaga ang kahihinatnan kapag nangyari ito. Mayayakag ko sila sa simpleng pagsabi na ang kapalit ng mga may sala ay ang pagkakabilanggo lang sapagkat sa pamamaraan na ito sila ay nag dudusa din at pweding mag bago sa tulong rin ng pag papatawad. Kung mas pipiliin ang Death Penalty nag dusa nga sila ng lubos  ngunit wala na silang pag-asa na magbago . Kaya hindi ako sang ayon sa batas na Death Penalty. Sabi nga ng iba “ habang may buhay may pag asa” .




x

Tuesday, August 14, 2018

Ang Pederalismo ay Hindi Naaayon sa Pilipinas

                          
Ang Pederalismo ay Hindi Naaayon sa Pilipinas
ni Mary Grace Q. Campollo

      Kamakaila’y ipinagdedebatihan ang pagpapatupad ng sistema ng pederalismo kung ito ba ay naaayon o hindi sa ating bansa na pinangungunahan ni Pangulong Duterte. Ang pagpapatupad ng pederalismo sa ating bansa ay magiging dahilan ng pagkakahati hati ng Pilipinas sa labing apat na estado kagaya na lamang ng sa Estados Unidos ng Amerika. Ang pagkakaroon ng Pederalismo ay maaaring maging sagot sa kagustuhan ng ibang mga mamamayan kagaya na lamang ng “decentralization” kung saan pumapayag ang sistemang pederalismo na magkaroon ng kanya-kanyang batas na alam nilang makakabuti sa kanilang lugar o pag-unlad. Ang bawat estado ay may kakayahang palaguin ang sariling yaman na sila lamang ang makikinabang. Ang mga lokal na gobyerno ay hindi na rin dedepende sa Maynila sapagkat ang bawat lokal na gobyerno ay may kapangyarihan na sa pagpapatakbo at pamumuno sa sariling estado.

     Ngunit sa aking palagay, ang pederalismo ay hindi naaayon sa ating bansa sapagkat ang pagkakaroon nito ay maaaring maging sanhi ng kawalan ng pagkakaisa ng mamamayang Pilipino. Ngayon nga’t hindi pa pederalismo ang bansa ay hindi na nagkakaisa ang mga Pilipino, paano pa kaya kung maging watak watak na ang pamamalakad sa Pilipinas.Hindi ba’t puro kumpetisiyon na lamang ang mamamayagpag sa ating lipunan? Ang Pilipinas ay itinatag bilang isang republikang bansa kung saan ang buong bansa ay may iisang batas lamang na sinusunod at may iisang pinuno. Sa pagtatatag ng Pilipinas bilang isang pederalismong bansa, mawawala ang kinagawian ng mga Pilipino at magiging parte na lamang ito ng nakaraan. May mga ibat ibang salik na magpapatibay na ang pederalismo sa ating bansa ay hindi makabubuti.
     
              Ayon sa Kami.com.ph, ang pederalismo sa ating bansa ay maaaring maging sanhi ng kawalan ng pagkakaisa sapagkat maaaring ang isaisip nila ay ang pakikipagmataasan sa kapwa lokal na gobyerno. May ibang estado ang mababalewala at mapagiwanan sapagkat hindi naman lahat ng mga estado ay may angking yaman at masaganang lupain.Ang pagbuo ng isang pederalismong bansa ay hindi madali sapagkat malaking pera ang gagastusin na maaaring maging sanhi ng kahirapan ng buong Pilipinas. May mga Islam na gustong magkaroon ng sarili nilang bansa kaya naman sila lumilikha ng grupo na gumagawa ng gera.Kung ang pederalismo ay maitatatag at nagging isang estado ang ARMM, maaaring ang susunod naman nilang gawin ay ang pagsakop sa iba pang mga estado upang makuha ang kagustuhang magkaroon ng isang bansa para sa kanila lahi.

  Bagama’t marami ring magandang epekto ang pederalismo sa ating bansa ay higit na mas marami pa rin ang hindi magandang epekto nito sa atin. Ang mga magagandang epekto ay wala ring kasiguraduhang magiging maganda ang kalalabasan sa ating lipunan. Kaya naman ang pederalismo sa ating bansa ay hindi naaayon at hindi na dapat na maipatupad.